Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre 19, 2017

"Nabaliw si MARIA dahil ginahasa siya nang kanyang nobyo."

Kyla Vanessa G. Palanas Mama:  oh! Bakit ganyan ang.          itsura mo?  Di ba, nakipagkita ka sa iyong nobyo? Ano bang nangyari? Anong surprisang ibinigay niya sa iyo? Maria: Mama!!😟. ( hindi nakapagsalita dahil sa takot) Ate: Salamat naman Maria at nakarating kana sa bahay, ikaw naman ang gumawa sa proyekto mo para matqpos na, kunting disenyo nalang ang kulang doon ! ( hinawakan ang kamay nang kapatid na si Maria.) Maria:huwag! 😣huwag mo akong hawakan .napakawalang hiya mo.! Ate: huy! Ano bang nangyari sa iyo para kang ginahasa sa kanto eh! Maputik pa ang damit mo,ang gulo pa nang buhok mo, ano ba talagang nangyari sa inyo nang boyfriend mong ugok!? Mama: shhhhh. Tama na yang away niyo , pumasok na kayo sa kwarto at tapusin ang ginagawa niyo. (At  pumasok na din ang dalawa ngunit hindi maintindihan nang ate ni maria kung bakit tulala ang kapatid niyang si Maria at laging umiiyak at balisa .) Maria: ate? Mama? ....   ...

Diyalogo

Jamaica Fayette V. Lopez Tauhan: Grace at ang kanyang Ina Tagpuan: Sa bahay ni Grace                  Hapon ng araw na iyon  Kaganapan/Sitwasyon: Umiyak si Grace dahil namatay ang kanyang ama (Pilit na dinudukot ni Grace sa bulsa ang selpon ng marinig itong tumunog. Nang ito'y makapkap ay dali-dali niya itong itinapat sa tainga upang sagutin.) Nanay: Hello anak? (Iyak) anak yung tatay mo (iyak) Grace: Bakit nay? Ba-bakit ka umiiyak? Nanay: Anak umuwi ka muna (singhot at hikbi mula sa kabilang linya) Grace: Nay, sabihin mo kung anong nangyayari, anong nangyayari inay? Bakit ganyan ang boses mo? (Natatarantang sagot ni Grace) Nanay: Nak, sasabihin ko na lang pag-uwi mo. Grace: Nay! May nangyari ba? May nangyari bang masama kay tatay? Nanay: Anak----- Grace: Nay! Tapatin niyo nga ako,( nanginginig ang boses ni Grace) may nangyari bang masama kay tatay? Nay? Nay? Nanay: Nak, si tatay mo--- wa--wala na siya.( malakas na hagulg...

Haiku

Jade Mae Kundiman Huni ng ibon Ay aking naririnig At nakikanta.

Haiku

Jade Mae Kundiman Simoy ng hangin Ay aking nilalasap At dinadama.

Tangka

Jade Mae Kundiman Oh aking mahal Kailan ka pa dadating Hinintay kita Upang magkatuluyan                                                           At magsimula tayo.

Tangka

Jade Mae Kundiman Ikaw ang mahal Sa puso at isip ko Ikaw ang hiling Sa aking dinaramdam At ikaw ang hinintay.

Nahimatay si Aling Tasya ng nalaman niya na kasali sa nabaril ang kanyang anak

Jade Mae Kundiman (sa umaga) Boy: Nay! Nay! Magandang umaga po, aalis na po ako nay. Aling Tasya: Ah, sige anak ingat ka sa trabaho mo ha. Boy: Sige po nay. Mang Kanor: Oh... Boy papunta ka na? Boy: Ah, opo Mang Kanor. Mang Kanor: Boy! Boy: Po? Mang Kanor: Sama na lang tayo. Boy: Sige po tara. (sa trabahoan nila Boy at Mang Kanor) Mang Kanor: Boy punta muna ako dun ha. Boy: Oh sige po Mang Kanor. (nangnaglakad lakad si Boy may biglang nagkagulo) Boy: Anong nangya... (at nang sa biglang humandusay si Boy at dumating si Mang Kanor) Mang Kanor: Boy! Boy! Anong nangyari Boy!? Tulong! Tulong! Boy gumising ka! (nang dumating ang ambulansya at dinala sa ospital si Boy) Nurse: Sir ikaw ba ang magulang niya? Mang Kanor: Hindi po Nurse. Nurse: Ah sir, kailangan mo pong tawagan ang maguang niya. Mang Kanor: Sige po Nurse. (tumawag si Mang Kanor ni Aling Tasya gamit ang telepono ng ospital) Aling Tasya: Hello, sino to? Mang Kanor: Ako to si Kanor. Aling Tasya: Oh bakit ...

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

Jade Mae Kundiman             Noong unang panahon may isang matandang babae ng may magandang harden ng bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumisita ang mga mangingisda at ang kani kanilang pamilya at matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at mabangong bulaklak mula sa harden.             Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong anking kapangyarihan ang matandang babae dahil palagng nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang babae at duwendeng tumutulong sa pag aalaga ng tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.             Isang araw may isang mag asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang harden. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng...

Sa kapistahan maglipay

Jade Mae Kundiman Sa adlaw na kabuntagon Ang adlaw na kapistahon Mga tawo namangon Para sa santos na gipistahan Sa adlaw sa despiras Mga tawo ng gawas Mga batang gaduwa Sa giandam na dula Mga tawong natunga Sa mga tawong nanimba Ug sa mga tawong busy Sa hikay na nagkisikisi Mga tawo namista Sa lugar na naay pista Mga tawo malipayon Sa adlaw nga ang santos natawhan.

“Ang mahiwagang Buhok ni Pepay”

Jade Mae Kundiman Isang araw si Pepay at ang kanyang ina ay naghahanda na para sa pagpasok ni Pepay sa paaralan nang si Pepay ay patungo na sa paaralan sinabihan siya ng kanyang ina na ingatan ang kanyang buhok. Sa paaralan ay siya ang pinakamaganda sa lahat. Lahat sa kanyang kaklase ay humahanga sa kanya. Kahit saan siya magpunta lahat ng taong malalagpasan niya ay tumitingin sa kanya. Dahil sa kanyang kagandahan ay hindi rin maiiwasang mainggit ang kanyang kaklase. Si Pepay ay mabuting bata, ang kanyang buhok ang nagdadala sa kanyang kagandahan ng kanyang mukha at sa iba pa niyang parte ng katawan. Si Pepay at ang kanyang ina ang palaging nag-aalaga sa buhok ni Pepay. Hindi ito pinuputol dahil kapag nangyari ito, ay may mangyayari kay Pepay. Nong nasa silid aralan si Pepay ay may tatlong babaeng kaklase niya ay tumabi sa kanya. Habang si Pepay ay nagbabasa ang tatlong babae niyang kaklase ay may balak sa kanyang buhok. Dahil sa kanilang pagkainggit sa buhok ni Pepay nilagya...

Ang kaibig-ibig na Ama

Jade Mae Kundiman O aking ama ikaw ang naging ilaw saakin, Ikaw ang umaroga at tumulong saamin, Kamangha-mangha na ikaw ang aking ama, Sapagkat ikaw lang ang nagiisang ama. Ang lahat ng suporta mo’y ibinigay saamin, Kahit hindi kaming lahat ay nagtagumpay, Ay kami ay minahal mo pa rin. At dahil sayo kami ay masayahin. Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng iyong nagawa, At karapat dapat rin kaming gumawa ng maganda sayo, Dahil ikaw ang aking nag-iisang ama, Na nagpapatuloy na ikaw ay kaibig-ibig.

HAIKU

Kyla Vanessa Palanas Matatayog na          Puno ng kalikasan          "HUWAG SIRAIN".

HAIKU

    Kyla Vanessa Palanas         Huni nang ibon         Napakasayang dinggin         Sa oras - oras.

TANKA

Kyla Vanessa G. Palanas Ang iyong mukha'y Napakaaliwalas Sa paningin ko'y Kaayaayang tignan Na aking minamahal.

TANKA

Kyla Vanessa G. Palanas       Ikaw ang kulay       Na nagbibigay saya       Sa aking puso       At nagpapaliwanag      Sa aking mumunting puso.

Tanka(2)

Jamaica Fayette V. Lopez Ako'y masaya Sa tala'y nakadungaw Hinihintay ka Ang puso'y umaapaw Ang ligaya ko'y ikaw

Haiku(2)

Jamaica Fayette V. Lopez Sayaw ng batis Simo'y ng hanging lamig Agos ng tubig

Haiku

Jamaica Fayette V. Lopez Sabay sa himig Ang ibon sa may batis Awit ng tuwa

Tanka

Jamaica Fayette V. Lopez 'Sa iyong piling Dalisay ang damdamin Mayuming Gabi Kasama ka sa tabi Lumilipad sa hangin

Si Sally

Jamaica Fayette V. Lopez Siya si Sally Kababata kong ipinagmamalaki Sa umaga at gabi Umulan umaraw Kami'y laging magkalapit Siya si Sally Kasangga ko kahit saan Sa paaralan at sa bahay man Laging maaasahan Siya si Sally Isang araw ay naglaho nalang Sa dilim ako'y biglang naiwan Nag-iisa sa kawalan Siya si Sally Sa kanya ako'y galit Poot ang aking nakamit Sa lumbay ako'y kumapit Siya si Sally Nawalang batang taga amin Mukha'y sa dyaryo ni tatay nakadikit Walang hiningang naligo sa putik Siya si Sally Alaala'y di limot ng isip Sa bangungot ako'y di pinatahimik Iyak niyang di nila rinig Siya si Sally Kay pait ng kanyang sinapit Sa awa ako'y napapikit Siya di na kailanman babalik Siya si Sally Kababata kong ipinagmamalaki Sa araw at gabi Umulan umaraw Sa puntod niya ako'y dadalaw

"Dyamante ng Pag-ibig"

Jamaica Fayette V. Lopez             Noong unang panahon, masayang naninirahan sa tahimik at masiglang komunidad ng "Faeries Hill" ang mga mamamayan. Pinaniniwalaang sa ilalim ng bundok naninirahan ang mga engkanto na siyang nagproprotekta sa komunidad mula sa mga hagupit ng kalamidad sa matagal ng panahon. Pinaniniwalaan at nirerespeto ng mga tao ang mga nilalang na ito at sila'y naniniwalang nakakahalubilo rin nila ang mga engkanto dahil maaari silang mag-anyong tao. Sa komunidad ay kilalang kilala si Gwen bilang pinakamaganda at pinakamaamong dalaga sa kanyang henerasyon. Kinaiingitan ang mala perlas niyang kutis, matingkad na kulay ng itim at paalon-along buhok hanggang beywang at ang kanyang mabuting katangian. Gayunpaman, si Gwen ay laging nasa bahay at inaalagaan ang kanyang ama mula ng pumanaw sa sakit ang ina. Ilang masugid na manliligaw na ang kanyang tinanggihan dahil sa ayaw niyang iwanang mag-isa ang ama.           ...

" Ang pagiging MATATAG ni MAHINA

Kyla Vanessa G. Palanas Sa isang malayong bulubundukin, nakatira si Mahina  isang lalaking alam lahat nang gawain sa buhay. Tinatawag siyang MAHINA , dahil sa taglay nitong kahinaan sa sarili na di kayang ipagtanggol ang sarili. Tinatawag din siyang mahina sa kanyang koop na kinabibilangan, dahil kahit kailan may di naging matatag sa buhay.   Sa isang araw, biglang nahimatay ang binata, at ni isang kasamahan ay walang tumulong, nang sa dumating ang isang guro na nagmamay-ari ng kanyang tinatrabahuan at ito'y tinulungang akayin papuntang klinika sa tinatrabahuan. At doon na pinahinga ng among guro. Sa pagpapahinga ni Mahina ay tinanung siya," Bakit kaba laging mahina? Na sa tanang buhaymuy di ka nagibg malakas sa iyong  sarili? At sa kadahilanang wala kang nakitang kaibigan na magmamalasakit sa iyo!?"           Ang sagot naman ni Mahina,"pagpasensiyahan niyo po sana ako maam, kasi sa pagtakwil ng magulang ko noong bata pa ako ay dinaramdam ko n...

"Sa Payag ni Pacita"

Jamaica Fayette V. Lopez Usa ka oras na ang milabay Sukad nilakaw si Adonis sa ilang balay Nagsuot siya's iyang saninang iglalakaw Nanghuwam pag antipara sa iyang agaw Lalom na ang kagabhion Ug sa dalan mura siya'g kaihion Si Adonis kadyot na nahunong Sa libon napugos ug suong Ug sa dihang siya nakaginhawag tarong Nipadayog baktas kung asa padulong Nagbitbit siya sa iyang daang gitara Ug ang kasingkasing na puno ug paghigugma Layo pa lang nakita na niya Ang kahayag sa nagdilaob na lampara Kini gikan sa payag na Gipuy-an ni Inday Pacita Kanunay siyang makahinumdom Sa oras na ang langit magdag-um Manukad siya sa ibabaw sa kamansi Kung asa makita niya si Pacita na gangisi Pila nalang ka metro ang distansya Sa payag sa iyang hinigugma Ang kakulba gitulon niya Kay mas importante nga maiya si Pacita Ug sa dihang naa na siya sa Silong 'Maayo,maayo' iyang nagkatawang pulong Pero sa pagbanganga sa pultahan Iyang ngisi nahanaw sa kabituonan S...