Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae


Jade Mae Kundiman

            Noong unang panahon may isang matandang babae ng may magandang harden ng bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumisita ang mga mangingisda at ang kani kanilang pamilya at matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang magaganda at mabangong bulaklak mula sa harden.

            Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong anking kapangyarihan ang matandang babae dahil palagng nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang babae at duwendeng tumutulong sa pag aalaga ng tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.

            Isang araw may isang mag asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang harden. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit nitong anyo.


            Dahil sa kalopastangan ng dalawa ginawa silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago ang anyo ng dalawa naging paro paro at nakita lamang ng taong bayan na may kakaibang kulisap na nag aaligid sa mga bulaklak.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

DIYALOGO