Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre 21, 2017

HAIKU

AGNES BUSTILLON Kapaligiran Kay ganda ng paligid Ng kalikasan

HAIKU

AGNES BUSTILLON Ganda ng iyo Ito ay tangkilikin Kapaligiran 

TANKA

AGNES BUSTILLON Ang pusong sawi Nadarama pighati Sa kasawian Walang kahahantungan Umaasa sa wala

TANKA

AGNES BUSTILLON Ang pusong durog Ng taong nasasaktan Na malimotan Pait na nadarama Wala ng katapusan

DIYALOGO

AGNES BUSTILLON Tessa:    Tiyang ( habang kumakatok sa pinto ng bahay ng kanyang tiyahin ) nagugutom na po ako.        ( Habang nakahawak sa kanyang tiyan )     Ilang araw na po akong walang ayos na tulog at kain. Tiyang: Aba! Kasalan ko ba kung wala kang maayos na tulog at maayos na kain? Ito na yung mga                 gamit mo. ( Sabay hagis ng kanyang mga damit ) Lumayas ka dito! Wala kang silbi! ( Sabay                sarado ng pinto ) Tessa:    Tiyang! ( Habang umiiyak ) gutom na gutom na po ako! ( Sa pagliipas ng tatlong araw nagpalaboy-laboy si Tessa at nabiliw ) Tessa:    Hmmmm..... Sarap ng burger ( habang kumakain ng panis na pandesal ) Gusto mo? Hmm.. Ang sarap-sarap! Ang rami kong pagkain espageti, burjer, pren prays at meron pang ...

Probinsya

( Agnes J. Bustillon ) Tapusan na ng pasukan, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay may kanya-kanyang plano para sa kanilang bakasyon. Ang mga lalaing ito ay ang mga pasaway sa kanilang klase, palagi silang tinatawag ng kanilang punong-guro dahil sa mga kalukuhan. Dumating ang araw ng kanilang pinakahinhintay ang pagpunta sa probinsya. Napagdesisyonan ng grupo na magbakasyon sa ilsa ng Samar. Kung saan nakatira ang kanilang isang barkada na si Joe. Ayon sa sabi-sabi ng mga tao ang Samar daw ay tirahan ng mga manananggal kaya naman mas lalong gusto nilng pumunta dun para makita ng personal dahil hindi sila naniniwala sa kalahating taong lumilipad. Ito ay isang kathang isip lamang ng mga tao. Pagkalipas ng ilang oras, narating nila amg isla, pagtapak ng kanilang lider ay kinalibotan siya at parang may hindi magandang mangyayari sa kanilang pagpunta sa isla. Pero ito ay binaliwala nila dahil sa mga magagandang tanawin ng lugar. Sumapit ang gabi, ang isa sa kanila ay pum...

“Mura ka ug .....”

( Agnes J. Bustillon ) Mura ka ug pabuto Kay ug makalataw ko nimo Kung dughan mag boto-boto Ing-ana akung gugma ka nimo Mura ka ug seres Hayag kaayo’g agtang Pareho sa ating gugmang Wala’y tikas Mura ka ug suga Kahayag sa akung ngit-ngit nga lungga Kung diin ko nag tanga Nag tanga sa imong gugma Mura ka ug pake, walay pake Sa tawng nag biga-biga nimo Kay matud pa nimo Ako ray imong gi pake Mura ka ug diamond Sidlak kaayo sa akung panan-aw Dili legit pero tinoud Ang gugmang maka wow! Mura ka ug siya Pacquiao Imong gi-pakyaw Ang gugmang naglantaw Sa imong giyawyaw Mura ka ug itik Kusog mangatik Hastang manlalatik Imong gi bitik Ang ga basa ani karun Igo rang nangandoy Sa tawng iyang gipangandoy Nga dili jud ma angkon

IBONG NAIS MAKALAYA

( Agnes J. Bustillon ) Sa apat na sulok, nsg-iisa Kalungkutan ang nadarama Araw at gaabi, luhang masagana Sa pisnging namumutla Sa bawat patak ng oras, nais makawala Sa higpit ng posas, di makawal Kalayaan? Nasaan kaya? Hanggang kailan maghihintay? Nais makawala, ngunit nakagapos Bakal na rehas sa bawat sulok Di makawala sa madilim na sulok May liwanag pa kaya? Kalayaan, nasaan ka? Ako ay maghihintay pa rin Sa iyong pagdating Kalayaan ang ninais ng Ibong nais makalaya!
Imahe

DIYALOGO

DALE P. IMPERIAL Bata: Oo nga pala! (Pinatawag ng aming guro si nanay dahil may award akong matatangap. Naku Uuwi na ako kaagad upang sabihin ito kay nanay! Siguradong matutuw iyon ( Sa may kalye ) Tambay: Hoy! Bata! akala ko ba magkasama kayo ng nanay mong nag-alsa-balutan at umalis kanina? Bata: Ano po ang ibig nyong sabihin? Tambay: Ayyyyyyy yun lang! Hindi moa lam? Naku mukhang iniwan ka na nang nanay mo! Bata: Ano po ba kayu hindi po magandang biro yan. Ang alam ko amay pupuntahan lang si nanay na kaibigan. Tambay: Kaibigan? Ehhh dala nga lahat nang gamit nya! Panong kaibigan ang pupuntahan. Bata : Hindi yan totoo! Hindi ako iiwan ng nanay ko! Mahal ako nang nanay ko! Tambay: Oh sya! Sige puntaham mo ang bahay ninyu! Tingnan mo doon at sigurado ako na wala na ang nanay mo dahil niwan ka na niya! (Pahamong sabi nga tambay sa bata) Bata: (Papatulo na ang luha) Opo at alam kong hindi ako iiwan ng nanay ko! (Tumakbo at umalis patungo sa kanilang bahay ) Bata...

PAGTAHAK

DALE P. IMPERIAL Ako ay dahan-dahang lumutang sa malalim kong panaginip Napukaw ng liwanag na para bang tumatawag Sa kabilang bahagi nang isang malawak na kadiliman Isang mundong  muntik lamunin ang aking kabuoan Ako ay nagpunyagi upang mapakawalan ang sarili Upang makasagot sa liwanag na nasa kabila Para makatapak sa isang magandang mundo At upang makaranas sa mga bagay na ninanais Sa aking paglipat sa isang bagong lugar Sinumulan ko ang pagsindi ng apoy sa akung isip Upang masunog ang  nakaukit na mga ala-ala Upang maayos ang mga bagay na nasira Ito ang bagay na gustong makamit ngayon Upang manatili sa mundong kanais-nais Upang maghilom ang mga sugat At upang makalimot sa dating landas na tinahak

Paghabol sa Hangin

Dale P. Imperial           Dahan-dahang inisinta ni Radama ng kanyang pana ang crystal na bulaklak sa Korona ni Reyna Salona.Alam niyang ito’y kanyang ikamamatay. Dahan-dahan niyang pinikit ang kanyang mata at bumuntong-hininga , nilakasan ang kapit sa kanyang pana at binuksan ang mata. Nakita na niya ang tamang anggolo at siya at tumira na sa bulaklak. Randam na niya ang kaba pero alam niyang hindi siya magsisisi sa huli. Gusto niyang makuha ang crystal na iyon upang siya na ang maging reyna sa kanilang kaharian. Kung magtagumpay siya ay makakapaghiganti na siya sa mga pumatay sa kanilang pamilya.            Maalala pa ni Radama ang mga pangyayaring naganap noon. Isang araw, nang siya ay nasa isang lugar na hindi kalayuan sa kanilang tahanan upang mag-insayo , biglang niyang narinig ang sigawan ng mga taong nakatira malapit sa kanila. Hindi na siya nagdalawang -isip at kinuha niya ang kanyang mga gamit at sumakay sa kabayo up...

HAIKU

Dale P. Imperial Ibong maliit Kay Ganda kung umawit Kahit sang saglit

HAIKU

Dale P. Imperial Luntiang dahong May iba’t-ibang korte Sa punong kahoy

TANKA

Dale P. Imperial Sa ‘yong paglakad Mundo’y biglang tumigil Aking paningin Muntik mon ang mabihag Siguradong ikaw na

TANKA

Dale P. Imperial Sa iyong piling Hindi mapaliwanag Ang padarama Sa ilalim ng puno Muntik kang mapasakin