"Mapagmahal kung kapatid"

Kyla Vanessa G. Palanas


Ang aking mapagmahal na kapatid; Ginawa
ng lahat para makatulong sa pamilya.
Oh! mapagmahal kung kapatid sa lahat, na
Kayang itaya ang sariling kaligayahan para
sa aming pamilya.

Bukod tangi kung kapatid, responsable at
Mapagmahal. Muli tayong magkita at ipahayag
ang magagandang salita na nakakapagpasaya sa
ating puso; na sa pag layo mu'y di na narinig
ang salitang Mahal Kita o Aking mapagmahal na
kapatid

Ni sa kunting hibla ng iyong buhok di na nahawakan;
Ni sa pagtitig ng kapatid ko'y di na namasdan;
Ni anino'y di na nakita; pag mamasid ng
iyong bawat galaw hindi ko nagawa;
Ngunit pakatandaan ang kapatid kung mapagmahal
Na sa muli nating pagkita; halik at yakap
ang sasalubong;

Sa aking magpagmahal na kapatid ika'y di
malimutan at sa pagbalik mu'y
marinig ang katagang mahal kita o
aking magpagmahal na kapatid.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO