“Ang mahiwagang Buhok ni Pepay”


Jade Mae Kundiman

Isang araw si Pepay at ang kanyang ina ay naghahanda na para sa pagpasok ni Pepay sa paaralan nang si Pepay ay patungo na sa paaralan sinabihan siya ng kanyang ina na ingatan ang kanyang buhok. Sa paaralan ay siya ang pinakamaganda sa lahat. Lahat sa kanyang kaklase ay humahanga sa kanya. Kahit saan siya magpunta lahat ng taong malalagpasan niya ay tumitingin sa kanya.

Dahil sa kanyang kagandahan ay hindi rin maiiwasang mainggit ang kanyang kaklase. Si Pepay ay mabuting bata, ang kanyang buhok ang nagdadala sa kanyang kagandahan ng kanyang mukha at sa iba pa niyang parte ng katawan. Si Pepay at ang kanyang ina ang palaging nag-aalaga sa buhok ni Pepay. Hindi ito pinuputol dahil kapag nangyari ito, ay may mangyayari kay Pepay.

Nong nasa silid aralan si Pepay ay may tatlong babaeng kaklase niya ay tumabi sa kanya. Habang si Pepay ay nagbabasa ang tatlong babae niyang kaklase ay may balak sa kanyang buhok. Dahil sa kanilang pagkainggit sa buhok ni Pepay nilagyan niya ito ng bubblegum. Isa sa kanila ay nagmaang-maangang nagsabi na: “Pepay may bubblgum sa iyong buhok, puputulin na lang natin.” Pagkatapos nya iyon sinabi ay pinutol niya ang buhok ni Pepay.

Nang tumakbo si Pepay papunta sa banyo ng kanilang paaralan nagunti unting nagbabago ang anyo ni Pepay naging kulubot kulubot ito at naging matanda. Nang narating siya sa banyo iyak siya ng iyak at tinignan niya ang sarili sa salamin at muling umiyak.

Nang si Pepay ay pauwi nakita siya ng kanyang mga kapwa niyang magaaral at tinawanan ito ang anyo ni Pepay. Nang nakarating ito sa bahay ay nakita ng kanyang ina ang kanyang anak na nag-iba na ang anyo kaya umiyak din ito dahil naawa ito sa kanyang anak. Umiyak din ito dahil alam niyang hindi na mababalik pa ang anyo ni Pepay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO