Diyalogo

Jamaica Fayette V. Lopez

Tauhan: Grace at ang kanyang Ina
Tagpuan: Sa bahay ni Grace
                 Hapon ng araw na iyon
 Kaganapan/Sitwasyon: Umiyak si Grace dahil namatay ang kanyang ama

(Pilit na dinudukot ni Grace sa bulsa ang selpon ng marinig itong tumunog. Nang ito'y makapkap ay dali-dali niya itong itinapat sa tainga upang sagutin.)
Nanay: Hello anak? (Iyak) anak yung tatay mo (iyak)
Grace: Bakit nay? Ba-bakit ka umiiyak?
Nanay: Anak umuwi ka muna (singhot at hikbi mula sa kabilang linya)
Grace: Nay, sabihin mo kung anong nangyayari, anong nangyayari inay? Bakit ganyan ang boses mo? (Natatarantang sagot ni Grace)
Nanay: Nak, sasabihin ko na lang pag-uwi mo.
Grace: Nay! May nangyari ba? May nangyari bang masama kay tatay?
Nanay: Anak-----
Grace: Nay! Tapatin niyo nga ako,( nanginginig ang boses ni Grace) may nangyari bang masama kay tatay? Nay? Nay?
Nanay: Nak, si tatay mo--- wa--wala na siya.( malakas na hagulgol)
Grace: Ano? Nay? (Umiiyak) hindi po totoo iyan. Buhay pa po siya, nay sabihin mong hindi-----(hagulgol ni Grace)
Nanay: Nak, alam kong masakit. U-umuwi ka muna.
Grace: (umiyak lang)
Nanay: Nak? Maghihintay kami sa iyo.
Grace: Darating ako...nay.
(Nanghihina ang tuhod ni Grace at pati ang kamay nito ng bigla nalang niyang nabitawan ang selpon kasabay ang malakas na iyak at mga hikbi.)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO