Si Sally
Jamaica Fayette V. Lopez
Siya si Sally
Kababata kong ipinagmamalaki
Sa umaga at gabi
Umulan umaraw
Kami'y laging magkalapit
Siya si Sally
Kasangga ko kahit saan
Sa paaralan at sa bahay man
Laging maaasahan
Siya si Sally
Isang araw ay naglaho nalang
Sa dilim ako'y biglang naiwan
Nag-iisa sa kawalan
Siya si Sally
Sa kanya ako'y galit
Poot ang aking nakamit
Sa lumbay ako'y kumapit
Siya si Sally
Nawalang batang taga amin
Mukha'y sa dyaryo ni tatay nakadikit
Walang hiningang naligo sa putik
Siya si Sally
Alaala'y di limot ng isip
Sa bangungot ako'y di pinatahimik
Iyak niyang di nila rinig
Siya si Sally
Kay pait ng kanyang sinapit
Sa awa ako'y napapikit
Siya di na kailanman babalik
Siya si Sally
Kababata kong ipinagmamalaki
Sa araw at gabi
Umulan umaraw
Sa puntod niya ako'y dadalaw
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento