Nahimatay si Aling Tasya ng nalaman niya na kasali sa nabaril ang kanyang anak


Jade Mae Kundiman

(sa umaga)
Boy: Nay! Nay! Magandang umaga po, aalis na po ako nay.
Aling Tasya: Ah, sige anak ingat ka sa trabaho mo ha.
Boy: Sige po nay.
Mang Kanor: Oh... Boy papunta ka na?
Boy: Ah, opo Mang Kanor.
Mang Kanor: Boy!
Boy: Po?
Mang Kanor: Sama na lang tayo.
Boy: Sige po tara.
(sa trabahoan nila Boy at Mang Kanor)
Mang Kanor: Boy punta muna ako dun ha.
Boy: Oh sige po Mang Kanor.
(nangnaglakad lakad si Boy may biglang nagkagulo)
Boy: Anong nangya...
(at nang sa biglang humandusay si Boy at dumating si Mang Kanor)
Mang Kanor: Boy! Boy! Anong nangyari Boy!? Tulong! Tulong! Boy gumising ka!
(nang dumating ang ambulansya at dinala sa ospital si Boy)
Nurse: Sir ikaw ba ang magulang niya?
Mang Kanor: Hindi po Nurse.
Nurse: Ah sir, kailangan mo pong tawagan ang maguang niya.
Mang Kanor: Sige po Nurse.
(tumawag si Mang Kanor ni Aling Tasya gamit ang telepono ng ospital)
Aling Tasya: Hello, sino to?
Mang Kanor: Ako to si Kanor.
Aling Tasya: Oh bakit napatawag ka?
Mang Kanor: Si Boy nabaril.
Aling Tasya: Ano!? Bakit!? Anong nangyari!?
Mang Kanor: Nagkagulo kasi dito at nasali sa nabaril si Boy.
Aling Tasya: Ano!?(umiyak) Di totoo yan anak ko.(umiyak) Saang ospital yan Kanor?
Mang Kanor: Dito sa Cebu Hospital.
Aling Tasya: Oh sige pupunta ako diyan.
(sa ospital)
Aling Tasya: Anak! Anak! Nurse! Nurse! Saan ang anak ko!?
Nurse: Ah maam sino po ang anak ninyo?
Aling Tasya: Si Boy Nurse.
Nurse: Nasa room 143 po maam.
Aling Tasya: Sige po Nurse.
(sa room ni Boy)
Aling Tasya: Anak! Anak! Gumising ka anak!(umiyak) Anak bakit ikaw pa!?(umiyak) Anak! Anak!(umiyak ng umiyak hanggang ito ay nahimatay)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO