Probinsya



( Agnes J. Bustillon )

Tapusan na ng pasukan, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay may kanya-kanyang plano para sa kanilang bakasyon. Ang mga lalaing ito ay ang mga pasaway sa kanilang klase, palagi silang tinatawag ng kanilang punong-guro dahil sa mga kalukuhan.

Dumating ang araw ng kanilang pinakahinhintay ang pagpunta sa probinsya. Napagdesisyonan ng grupo na magbakasyon sa ilsa ng Samar. Kung saan nakatira ang kanilang isang barkada na si Joe. Ayon sa sabi-sabi ng mga tao ang Samar daw ay tirahan ng mga manananggal kaya naman mas lalong gusto nilng pumunta dun para makita ng personal dahil hindi sila naniniwala sa kalahating taong lumilipad. Ito ay isang kathang isip lamang ng mga tao. Pagkalipas ng ilang oras, narating nila amg isla, pagtapak ng kanilang lider ay kinalibotan siya at parang may hindi magandang mangyayari sa kanilang pagpunta sa isla. Pero ito ay binaliwala nila dahil sa mga magagandang tanawin ng lugar.

Sumapit ang gabi, ang isa sa kanila ay pumunta sa likod ng bahay upang manigarilyo. Habang naninigarilyo napansin niyang may nakatayo sa may di kalayoan. Kaya ito’y kanyang nilapitan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita! “Napakaganda m, Binibini!” ang tangi niyang na sambat. Ang binibining ito ay totoomg napakaganda dahil sa matingkad nitong awra at napakaamong mukha. “Lumapit ka,” sabi ng Binibini. Para siyang nahipotismo dahil sa isng sabi ng Binibini tio’y agaran niya sinunod.

Sa kabila naman, ang naiwan sa bahay ay nagkatuwaan na hanapin ang kalahating tao na lumiliipad o ang manananggal upang ipagmukha sa mga tao na hindi iot totoo. Habang sila’y naglalakad sa kalsada napansin nila ang malaking bon na nasa puno ng niyog. Tumihol ang kanilang isang kaibigan na parang ibon uoang maakit ang malaking ibon. Ngunit ng mapansn nila ito ay kakaiba dahil sa sobrang laki ng mga pakpak at iba rin ang tinog nito. Nang ito ay lumipad, nanlaki ang kanilang mga mata sa nakitang kalahating tao na lumilipad. Halos mawalan ng ulirat ang isa sa kanila dahil sa nakita. Di nila alam kung ano ang dapat gawin. Kaya tumakbo sila pabalik ng bahay.

“Isarado mo ang mga pinot at bintana,” utos ng isa sa kanila. Agaran naman itoong isinara.

Ngayong naniniwala na sila sa manananggal. Ipinagdarasal nila na sana maka-uwi sila ng buhay. At sana hindi sila sinundan ng mananangggal.

“Teka, nasaan si Joe?” tanong ng isa sa kanila. Nagkatinginan silang apat.

“Ako ba ang hinahanap niyo?” boses galing sa nakabukas na bintana.

“JOE?”

Nakita nila ang katawan ni Joe nakalahati at lumilipad sa ere. Isa-isa silang pinatay ng mananaggal. Nalaman ng paaralan na nasawi at namatay ang mga estudyante dahil sa aksidenting nabangga ang kanilang kotse. Ngunit walang naka alam sa tunay na nagyari, tanging si Joe at ang magandang Binibini nalang ang tanign nakakaalam.

Mahigpit na nagyakapan si Joe at ang magandang Binibini sa ilalim ng buwan.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO