PAGTAHAK

DALE P. IMPERIAL

Ako ay dahan-dahang lumutang sa malalim kong panaginip
Napukaw ng liwanag na para bang tumatawag
Sa kabilang bahagi nang isang malawak na kadiliman
Isang mundong  muntik lamunin ang aking kabuoan


Ako ay nagpunyagi upang mapakawalan ang sarili
Upang makasagot sa liwanag na nasa kabila
Para makatapak sa isang magandang mundo
At upang makaranas sa mga bagay na ninanais

Sa aking paglipat sa isang bagong lugar
Sinumulan ko ang pagsindi ng apoy sa akung isip
Upang masunog ang  nakaukit na mga ala-ala
Upang maayos ang mga bagay na nasira

Ito ang bagay na gustong makamit ngayon
Upang manatili sa mundong kanais-nais
Upang maghilom ang mga sugat
At upang makalimot sa dating landas na tinahak

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO