IBONG NAIS MAKALAYA


( Agnes J. Bustillon )


Sa apat na sulok, nsg-iisa
Kalungkutan ang nadarama
Araw at gaabi, luhang masagana
Sa pisnging namumutla

Sa bawat patak ng oras, nais makawala
Sa higpit ng posas, di makawal
Kalayaan? Nasaan kaya?
Hanggang kailan maghihintay?

Nais makawala, ngunit nakagapos
Bakal na rehas sa bawat sulok
Di makawala sa madilim na sulok
May liwanag pa kaya?

Kalayaan, nasaan ka?
Ako ay maghihintay pa rin
Sa iyong pagdating
Kalayaan ang ninais ng

Ibong nais makalaya!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

DIYALOGO