Paghabol sa Hangin
Dale P. Imperial
Dahan-dahang inisinta ni Radama ng kanyang pana ang crystal na bulaklak sa Korona ni Reyna Salona.Alam niyang ito’y kanyang ikamamatay. Dahan-dahan niyang pinikit ang kanyang mata at bumuntong-hininga , nilakasan ang kapit sa kanyang pana at binuksan ang mata. Nakita na niya ang tamang anggolo at siya at tumira na sa bulaklak. Randam na niya ang kaba pero alam niyang hindi siya magsisisi sa huli. Gusto niyang makuha ang crystal na iyon upang siya na ang maging reyna sa kanilang kaharian. Kung magtagumpay siya ay makakapaghiganti na siya sa mga pumatay sa kanilang pamilya.
Maalala pa ni Radama ang mga pangyayaring naganap noon. Isang araw, nang siya ay nasa isang lugar na hindi kalayuan sa kanilang tahanan upang mag-insayo , biglang niyang narinig ang sigawan ng mga taong nakatira malapit sa kanila. Hindi na siya nagdalawang -isip at kinuha niya ang kanyang mga gamit at sumakay sa kabayo upang magtungo sa kanilang tahanan. Nang papalapit na siya sa kanila , Nakita niya na maraming tao sa kanilang tarangkahan. Nang Nakita na niya ang lahat ng nagtratrabaho sa loob ng bahay nila na nakahandusay sa kanilang bakuran , agad niyang kinuha ang kanyang pana upang pumasok sa loob , hinarangan siya ng mga gwardiya pero siya ay nagpumilit at sa kanyang galit ay tinutukan pa niya ang mga ito ng kanyang pana. Alam niyang kung mamatay man siya ay hindi niya kayang mabuhay. Agad niyang hinalughog ang bahay upang hanapin ang kanyang mga magulang at nag-iisang kapatid. Wala siyang nakitang bakas ng kahit na sino man sa tatlo. Pumasok siya sa kwarto ng kanyang kapatid at Nakita niyang may maraming dugo sa kama nito. Nakita din niya ang bulaklak na crystal. Alam niyang ang crystal na iyon ay simbolo ng reyna ng kanilang kaharian. Matapos noon ay bigla nalang nawala si Radama ng 7 buwan. Tinangka siyang hanapin ng mga tauhan ng reyna pero hindi siya nakita. Ang hindi alam ng mga tao ay lalo pang nag insayo si Radama upang makahinganti sa reyna nila na kahit kalian ay hindi pa niya nakikita.
Pagkatapos ng 7 buwan ay handa na siyang harapin ang reyna. Hindi niya alam kung ano ang hitsura ng reyna pero alam nya sa puso niya na ang reyna ang dahilan ng pagkamatay nang kanyang pamilya . Narinig siyang nagkaroon ng seromonya ang reyna sa araw na iyon, ito ang seremonya ng Pagbabalik ng mga nawalang agad siyang nagtungo sa palasyo.
Sa kanyang pagtira sa bulaklak ay nakatalikod ang reyna. Kitang kita niya ang pagbagsak ng reyna sa lupa. Nagkagulo ang mga tao at agad pomorma ng mga gwardiya ng reyna , iyon na ang tamang panahon ng kanyang paghihiganti. Sinundan niya ang reyna at hari patungo sa kanilang silid. Agad niyang inasinta ng kanyang pana sabay sabing “Kayo ang pumatay sa aking pamilya”. Lumingon ang reyna at hari at sa kanyang pagtitig sa kanila siya ay nagulat. Ilang Segundo siyang hindi nakapagsalita, ngunit sinabi nya na may halong hindi maipaliwanag na emosyon, “Ama””Ina”?.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento